Inihayag ng Malakanyang na wala silang balak na ipaaresto ang mga umano ay miyembro ng makakaliwang grupo sa kabila ng pagtukoy dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, tanging ang hiling ng pamahalaan ay itakwil ng mga ito ang pagsuporta sa New People’s Army (NPA), na armed group ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Hindi rin aniya dapat umabot sa paggamit ng armas at pag-aklas laban sa pamahalaan ang kanilang gawin, dahil nagreresulta ito ng pagkamatay ng mga sibilyan at mga sundalo.
Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kabilang ang grupong Makabayan, Bayan at Gabriela sa mga komunista sa bansa na itinanggi naman ng mga ito.
Facebook Comments