Dating Tulak ng Iligal na Droga, Arestado sa Buy-bust Ops

43

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng PDEA at PNP Cauayan sa mismong tahanan nito pasado alas-6:05 ng gabi sa Barangay District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Mark Anthony Castro, 31-anyos, may-asawa, at nagmamay-ari ng isang computer shop.


Positibong napagbentahan umano ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang dalawandaang piraso ng 500 peso bill na buy bust money.

Ayon naman sa misis ng suspek, galing sila ng kanyang mister sa isang bilihan ng bed foam at laking gulat nito ng may biglang dumating na mga sibilyan sa kanilang tahanan at agad na inaresto ang suspek.

Aminado din ito na dating gumagamit ang suspek ng ipinagbabawal na gamot subalit natigil ito dahil upang magbagong buhay.

Nakumpiska din sa pag-iingat ng suspek ang P1,000 at cellphone na ginagamit umano sa kanyang transaksyon.




Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments