Malakanyang, ikinalugod ang pahayag ng CHR na walang naitatalang human rights violation sa ilalim ng martial law sa Mindanao

52

Manila, Philippines – Ikinalugod ng Malakanyang ang positibong pahayag ng Commission on Human Rights na walang naitatalang pag-abuso sa karapatang pantao sa ilalim ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – patunay ito na sumusunod ang mga awtoridad sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag abusuhin ang batas militar.

Iginiit din ni Abella na dapat nang pawiin ang pag-aalala ng ilang grupong tutol sa martial law.

Unang ipinangako ni Pangulong Duterte na hindi maaabuso ang batas militar dahil ito ang solusyon para matapos ang paglaganap ng terorismo sa Mindanao.

Facebook Comments