Nationwide protest caravan ng Piston, kasado ngayong araw

45

Manila, Philippines – Maglulunsad ng panibagong nationwide protest caravan ang grupong Piston ngayong araw.

Ayon kay Piston President George San Mateo, ang nasabing protesta ay bahagi ng tinututulan nilang plano ng Department of Transportation (DOTr) na i-modernisa ang mga pampublikong sasakyan.

Kahapon, nagsagawa na ang grupo ng candlelight vigil sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nabatid na huling nagsawaga ng protesta ang grupo noong Hunyo 5 na isinabay sa unang araw ng pasukan.

Facebook Comments