Tikom ang bibig ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kaugnay ng notice of suspensyon ng termination ng Philippines-United States (PH-US) Visiting Forces Agreement (VFA) na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin.
Sinabi ni Roque, kung ano ang laman ng notice of suspencion ng termination ng VFA na ipinadala ni Secretary Locsin sa US Government, ay iyon ang opisyal na posisyon ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ayon kay Roque, tanging si Pangulong Duterte ang nakakaalam ng rason kung bakit sinuspinde ang termination ng VFA bilang chief foreign policy maker ng pamahalaan.
Batay sa notice of suspencion of the termination of VFA, ang nangyayaring political development sa Asian Region ang inilagay na dahilan ni Secretary Locsin.
Magugunitang February 11, 2020 nang ipadala ng DFA ang notice of termination ng PH – US Visiting Forces Agreement alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Batay sa probisyon ng treaty termination, kailangang magpadala ng formal notice ang isang partido sa kakontratang partido para sa pagpapawalang bisa ng kasunduan at makalipas ang isang taon ay otomatikong tapos na ang tratado.