MANILA – Itinanggi ng Malacañang na ginamit lang nila ang Whistleblower na si Jun Lozada laban kay dating Commission On Election Chairman Benjamin Abalos Sr kaugnay ng $329 Million NBN-ZTE Deal.Batay sa ruling ng Anti-Graft Court, ibinasura ang kasong katiwalian laban kay abalos dahil hindi napatunayang nag-ahente siya sa NBN-ZTE Deal na may kapalit na malaking halaga.Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mas mainam na basahin at unawain muna ang kabuuang desisyon ng Sandiganbayan bago magbigay ng puna o obserbasyon.Aniya, walang batayan at katotohonan ang pahayag ni Lozada dahil ebidensya ang ginagamit na pagpapasya ng hukuman at hindi naman nakikialam ang ehekutibo sa hudikatura.Dagdag pa ng kalihim, ang mahalaga ay pagpapairal sa proseso ng batas upang mapatotohanan ang prinsipyo ng patas na katarungan.
Malakanyang, Itinangging Ginamit Ni Pangulong Noynoy Aquino Ang Whistleblower Na Si Jun Lozada Laban Kay Dating Comelec
Facebook Comments