Nanindigan sina Gabriela Rep. Arlene Brosas at ACT Teachers Rep. France Castro na may pagkukulang ang malakanyang kaya umabot ang bansa sa pagkakaroon ng national dengue epidemic.
Tutol sina Brosas at Castro sa plano ng pamahalaan na ibalik ang dengvaxia vaccine para solusyunan ang dengue outbreak sa bansa.
Giit ng mga kongresista, naging bahagi pa ng sistema na mas malala ang gobyerno dahil sa kawalan ng aksyon para mapigil ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.
Dapat sana ay naasikaso agad ng pamahalaan ang pagtaas ng dengue cases habang hinahabol ang mga nasa likod ng procurement ng dengvaxia vaccine at ang napaulat na pagkamatay ng mga nabakunahan nito.
Dahil lumala ang problema sa dengue ay patunay na matindi ang naging kapabayaan kaya hindi dapat magmalinis dito ang pamahalaan.