Kaso ng dengue sa buong bansa, posible pang lomobo hanggang Oktubre

Lumabas sa pagdinig ng Senate Committee On Health And Demography na posible pang lomobo o tumaas pa ng 50 porsyento ang kaso ng dengue hanggang sa Oktubre.

 

Ito ang inihayag sa pagdinig ni Dr. Ferchito Avelino na syang OIC director ng Department of Health Epidemiology Bureau.

 

Ayon kay Dr. Avelino, base sa datos ay tumaas ng 98 percent ang dengue cases ngayon kumpara noong Enero hanggang July 2018.


 

Sabi pa ni Dr. Avelino, sa ngayon ay nakakapagtala ang DOH ng 10-libong bagong kaso ng dengue kada linggo.

 

Pero diin ni Dr. Avelino, malaking tulong ang mga deklarasyon at hakbang ni Health Secretary Francisco Duque para kumilos ang lahat at mapigilan ang pagkalat pa ng dengue.

Facebook Comments