MANILA – Nagpaliwanag ang Malakanyang kasunod ng pahayag ni pangulong duterte na “go to hell” kay US President Barack Obama.Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, talagang ganun lamang magsalita ang Pangulong Duterte.Payo pa nito sa mga mamamahayag, huwag maging “literal” sa pagtanggap ng mga sinasabi ng pangulo.Umalma naman ang ilang media group sa pahayag ng malakanyang na kailangan gumamit ng imahenasyon kaugnay ng mga pahayag ng pangulo.Sinabi ni Center for Media Freedom and responsibility (CMFR) Chairman Vergel Santos, pagbabalita ang trabaho ng mga mamamahayag at hindi ang paggamit ng imahenasyon.Una nang iginiit ni Pangulong Duterte, na hindi niya ititigil ang estilo ng kanyang pananalita lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang kanyang kampanya kontra ilegal na droga.
Malakanyang, May Payo Sa Media Kaugnay Sa Mga Pahayag Ni Pangulong Duterte
Facebook Comments