Malakanyang nagbabala sa mga negosyanteng mananamantala ng sitwasyon sa harap ng COVID-19 scare

Nagbabala ang malakanyang sa mga negosyanteng mananamantala ng sitwasyon kasunod ng COVID-19 scare sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipapaaresto at papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang nagho-hoard ng kanilang mga paninda dahil nagreresulta ito ng pagtataas sa presyo ng mga bilihin.

Aniya, hindi rin sasantuhin ng palasyo ang mga reseller na nagbebenta ng sobra-sobrang presyon sa mga basic commodities.


Matatandaang una nang umapela ang palasyo sa publiko na huwag mag-panic buying at huwag mag-imbak ng suplay ng sobra-sobra.

Facebook Comments