Pagiging pandemic ng COVID-19, tiniyak na seryoso tinutugunan ng pamahalaan

Tiniyak ng malakanyang na seryoso nilang tinutugunan ang pagiging pandemic ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, handa ang pamahalaan sa mga dapat pairalin na mga regulasyon.

Aniya, marami nang naipatupad na protocol para mapigilan ang pagkalat ng sakit.


Kasabay nito, nanawagan si Panelo sa publiko na gawin ang mga protocols na ipinaalala ng Department of Health (DOH) gaya ng personal hygiene at social distancing.

Dapat din aniyang maging kalmado ang lahat, maging vigilante at huwag magpakalat ng mga fake news kaugnay ng COVID-19.

Facebook Comments