Nagpa-abot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at mga kamag-aral ng estudyante ng University of the Philippines na nasawi sa matapos mabunyag ang usapin o pagkakadawit sa umano’y fraternity hazing incident noong 2017.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa kabila ng pagpapa-abot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing estudyante ay batid ng palasyo ang hiling ng nga ito na gawing pribado ang usapin.
Magsilbi sanang aral sa publiko ang nangyari upang magpakita ng malawak na pang-unawa at kabutihan sa bawat isa anuman ang sitwasyon ng nga ito.
Mababatid na napaulat na kinitil ng mag-aaral ang sariling buhay matapos mag-leak ang conversation ng pagkakasangkot sa sinasabing hazing incident.
Una nang hiniling ni UP Diliman Chancellor Michael Tan sa publiko na huwag nang mag-post sa social media kaugnay ng pangyayari bilang paggalang sa privacy ng hindi pinangalanang estudyante.