Malakanyang, nagpaabot nga pagbati kay sa fighting senator Manny Pacquiao

175

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagkatalo mula sa Australian boxer na si Jeff Horn, nagpaabot pa rin ng pagbati ang Malakanyang sa fighting senator na si Manny Pacquiao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapasalamat ang palasyo sa ibinigay na suporta ng mga pilipino para kay Pacquiao sa oras ng tagumpay maging sa oras ng pagkabigo.

Sabi pa ni Abella, mananatiling people’s champ, pambansang kamao at national treasure sa puso ng bawat pilipino si Pacquiao.


At kahit pa aniya nabigo si Pacman sa kanyang laban kay Horn hindi pa rin matatawaran ang karangalan na ibinigay nito para sa bansa.

Facebook Comments