Manny Pacquiao, maluwag na tinanggap ang pagkatalo sa laban kontra kay Jeff Horn

Manila, Philippines – Nabigo si fighting Senator Manny Pacquiao na talunin ang Australian boxer na si Jeff Horn para sa WBO World Welterweight title.

Batay kasi sa score card ng mga hurado, nakapagtala sila ng 117-111; 115-113 at 115-113 na unanimous decision para sa home town favorite na si Horn.

Pero kahit na halatang dismayado, ay maluwag namang tinanggap ni Pacman ang desisyon ng mga hurado.


Ayon kay Pacquiao, bahagi ito ng laro na dapat niyang tanggapin anuman ang kahihinatnan ng laban.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Pacquiao ang lahat ng nagbigay ng suporta sa laban nito kay Horn.

Facebook Comments