MANILA – Naniniwala ang Malakanyang na dapat mapakinggan muna ng susunod na administrasyon ang boses ng taumbayan bago muling buhayin ang death penalty sa bansa.Una nang ipinahayag ni incoming President Rodrigo Duterte at mga kaalyado sa kongreso na ibabalik nila ang parusang kamatayan bilang maximum penalty para maresolba ang talamak na mga krimen lalo ang may kinalaman sa illegal drugs.Kumbinsido si Duterte na suportado ito ng mga mamamayan batay sa malaking botong nakuha noong nakaraang eleksyon kung saan kasama sa plataporma ang pagbabalik nito sa death penalty.Pero sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na dapat malaman at mapagtibay muna kung totoong mayorya ng mga Pilipino ay sang-ayon sa nasabing panukala.Ayon kay Coloma, dapat maingat na mapag-aralan ng incoming administration at ng 17th Congress ang death penalty reimposition.Ipinaliwanag ni Coloma na una nang pinagtibay ng Secretary of Justice na may kasunduan ang pilipinas sa United Nations (UN) laban sa death penalty at isa itong mahalagang polisiya na hindi basta agad-agad binabago.
Malakanyang, Nagpaalala Sa Duterte Administration Na Huwag Madaliin Ang Muling Pagbuhay Sa Death Penalty Sa Bansa
Facebook Comments