Umaapela ang Palasyo sa European Union (EU) delegation na bigyan naman ng tyansa ang pamahalaan na tapusin ang imbestigasyon hinggil sa naganap na pagpatay sa 9 na aktibista kamakailan sa Calabarzon.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa lumabas na pahayag ng EU kung saan sinasabing nakakabahala ang naturang insidente dahil nasangkot dito ang ating law enforcers at unarmed individuals.
Ayon kay Roque, ginagampanan ng Estado ang obligasyon nitong mag-imbestiga, mag-prosecute at magpataw ng parusa sa sinumang nagkasala.
Bigyan lamang aniya ng tamang panahon ang ating mga otoridad na matapos ang kanilang imbestigasyon.
Matatandaang Marso a-siete nang mapatay ang 9 na indibidwal mula sa serye ng police operations sa probinsya ng Rizal, Laguna, at Cavite.