MANILA – Iginiit ng Malakanyang na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatalsik kay Senadora Leila de Lima bilang chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights na nag-iimbestiga tungkol sa Extra–Judicial Killings sa bansa.Sa interview ng RMN kay Presidential Communication Office (PCO) Sec. Martin Andanar, sinabi nito na independent body ang senado at hindi ito hawak ng pangulo.Una nang sinabi ni de Lima na ang pangulo ang may pakana na ipatanggal siya bilang pinuno ng nasabing komite dahil karamihan sa mga bumoto laban sa kanya ay miyembro ng majority.Tiwala naman ang malakanyang na magagampanan ng bagong chairman ng komite na si Senador Dick Gordon ang imbestigasyon ng senado sa EJK.Nilinaw ni Andanar na nirerespeto lang ng palasyo ang anumang imbestigasyon na isinagawa ng senado at kongreso sa anumang isyu.
Malakanyang, Nanindigang Walang Kinalaman Si Pangulong Duterte Sa Pagpapatalsik Kay De Lima
Facebook Comments