Malakanyang, naniniwalang resulta ng sinuspindeng anti-drugs campaign ng PNP ang pagdami ng mga Pinoy na nabiktima ng nakawan – batay sa survey ng SWS

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malakanyang na bunga ng sinuspindeng Anti-Drugs Campaign ng Philippine National Police (PNP) ang bahagyang pagtaas ng property crime batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na 6.3 percent ng pamilyang pinoy ang nawalan ng ari-arian dahil sa mga magnanakaw, nanloloob sa bahay at mga carnapper sa huling anim na buwan.

Ayon kay presidential spokesperson ernesto abella – patunay lamang na tumaas ang bilang ng krimen nang sinuspinde ang war on drugs at naging daan pa para sa mga kriminal na magnakaw ng mga gamit at sasakyan.


Paliwanag pa ni Abella – namayagpag muli ang mga drug addict sa mga komunidad nang itigil ang nasabing operasyon.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Abella na mababa pa rin ng 1.3 percent ang property crime rate ngayong 1st quarter ng 2017 mula sa annual average nitong 7.6 percent noong 2016.

Facebook Comments