Malakanyang, nilinaw na walang balak kasuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang media organizations na binatikos nito dahil sa hindi patas na pagbabalita

28

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na walang planong maghain ng
reklamo si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ABS-CBN at Inquirer na
nakatikim nang batikos mula sa Pangulo dahil sa paraan nito ng pagbabalita.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – gusto lamang ilabas ng
Pangulo ang kanyang hinaing sa aniya’y hindi patas na pagbabalita ng
dalawang media agencies.

Kaugnay nito ng mga ulat sa kalusugan ng Pangulo at sinasabing
kwestyonableng yaman nito.

Dagdag pa ni Abella – ang pagiging bias ng naturang media na nagdudulot
umano ng malisya sa mga tiga-pakinig partikular na ang isyu ng kampanya
kontra ilegal na droga at kampanya laban sa mga mahihirap.

Facebook Comments