Senador Antonio Trillanes, hinamon ang Pangulong kasuhan siya ng libelo

37

Manila, Philippines – Hinamon ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong
Rodrigo Duterte, na kasuhan siya ng libelo.

Ito’y matapos makatanggap ng batikos mula sa Pangulong Duterte ang ABS-CBN
at Inquirer dahil sa umanoy maling balita hinggil sa mga umano’y tagong
yaman ng kanilang pamilya.

Ayon kay Trillanes – kung hindi totoo ang report ng media tungkol sa
kanyang yaman ay bakit hindi siya sampahan ng kaso.

Tugon naman dito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – hindi na
papatulan ng malakanyang ang mga ganitong patutsada.

Samantala, muli ring hinamon ng Senador ang Pangulong Duterte na lumagda
nalang ng waiver, upang malaman na kung magkano talaga ang nilalaman ng
nasabing bank account.

Facebook Comments