Malakanyang, pinabulaanan na may pangako ang gobyerno sa China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Itinanggi ng Malakanyang na may pangako ang pamahalaan ng Pilipinas sa China na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, na walang ganitong pangakong binibitiwan ang gobyerno.

Sinegundahan rin ni Garafil ang posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mananatili sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre.


Matatandaang may una nang panawagan ang China sa pamahalaan ng Pilipinas na tanggalin na nito ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal dahil naniniwalang kanila ang bahaging iyon ng West Philippine Sea.

Nanatili ang paninindigan ng National Security Council na walang rason para alisin ang nasabing barko sa Ayungin Shoal dahil sakop ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Facebook Comments