Malakanyang pinauubaya na lang sa DFA ang paglalabas ng statement hinggil sa napabalitang aerostat ng China sa teritoryong sakop ng Pilipinas

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs ang paglalabas ng pahayag kaugnay sa napabalitang aerostat ng China sa teritoryong sakop ng Pilipinas.

 

Matatandaan na namataan ang aerostat radar ng China sa Panganiban Reef, na pasok sa 200 nautical mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

Ayon kay Presidential Spokesperskon Salvador Panelo, tiyak naman na maglalabas ng pahayag si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa oras na maberipika na ang ulat na ito.


 

Sa kasalukuyan kasi, subject for verification pa aniya ang impormasyong ito.

 

Ipinauubaya na aniya ng Palasyo sa mga National Security Adviser at Department of National Defense ang pagbi-beripika sa mga ulat na ito.

Facebook Comments