Malakanyang, pumalag sa ulat na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Western Pacific region

Pumalag ang Malakanyang sa ulat ng World Health Organization (WHO) na Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Western Pacific region.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maling ikumpara ng WHO ang Pilipinas sa Singapore kung populasyon ang pag-uusapan.

Aniya, dapat ay “per million population” ang ginawang basehan sa pagdetermina kung gaano kabilis nadadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa alinmang bansa.


Giit ni Roque, lalabas na pang-anim (6) lamang ang Pilipinas sa mga rehiyon kung i-divide ang bilang ng mga kaso sa kada milyong populasyon.

Batay sa datos ng Malakanyang, nangunguna ang India sa may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 na sinundan ng Pakistan, Bangladesh, Indonesia at Singapore.

Facebook Comments