Sumagot na ang Malakanyang sa pahayag ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na nakitaan ng ‘reasonable basis’ ang sinasabing crimes against humanity ng drug war sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, maituturing na “legally erroneous” ang pahayag ni Bensouda dahil mayroong minimum gravity ang Pilipinas.
Hindi rin aniya lahat ng krimen ay nililitis sa ICC, kaya bahala na ang mga ito sa nais nilang gawin dahil hindi kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas ang hurisdiksyon ng ICC.
Matatandaang noong Pebrero 2018 nang magkasa ng preliminary probe si Bensouda ukol sa mga nasawing sinasabing drug suspek at tulak at sa mga umano’y nanlaban sa mga pulis sa ikinasang war on drugs ng gobyerno ng Pilipinas.
Habang Marso 2019 din nang umalis ang Pilipinas sa ICC pero sa kabila nito ay ipinagpatuloy ng natatanging war crimes tribunal sa mundo ang imbestigasyon ukol sa drug war sa bansa.