Malakanyang, umalma sa pahayag ng Amnesty International dahil sa sunod-sunod at marahas na patayan sa ilalim ng Duterte Administration

MANILA, PHILIPPINES – Mariing kinontra ng Malacanang ang naging pahayag ng Amnesty International na isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinuno ng bansa na nagpapatupad ng ‘toxic agenda’ na lumalapastangan sa karapatang pantao.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi ito sumasalamin sa sintimyento ng maraming Filipino.

 

Hindi rin anya kinukunsinte ng administrasyon ang extrajudicial killings at sa katunayan ay mahigit isang milyon na ang sumukong drug users at pushers at pagkakahuli sa mga malalaking drug laboratories.

 

Sa kabila ng puna ng Amnesty International ay hindi aniya mapapagod ang administrasyon na ipatupad ang ipinangakong magandang pagbabago sa bansa sa pamamagitan ng political and socio economic reforms para mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino.

 

Sa unang annual report ng Amnesty International, kinundena din nila sunud-sunod at marahas na pagpatay kaugnay sa kampanya kontra droga ng Administrasyong Duterte.

 

Giit pa ng grupo, labag sa karapatang pantao ang muling pagbuhay sa parusang bitay ng pamahalaan.




 

Facebook Comments