Malakanyang, walang kinalaman sa pag-alis ng TRO sa kaso laban kay dating Pangulong Aquino kaugnay sa Mamasapano massacre

Dumistansiya ang Palasyo ng Malacanang sa pag-alis ng korte suprema sa Temporary Restraining Order o TRO sa mga kasong graft and usurpation of authority laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

May kinalaman ang mga kaso sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force sa nangyaring Mamasapano encounter noong January 25, 2015.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, hindi nanghihimasok ang Malakanyang sa trabaho ng Korte.


Diin ni Panelo, may umiiral na independence sa pagitan ng magkakahiwalay na sangay ng gobyerno na kinabibilangan ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

Facebook Comments