#TeamAreglo: Raffy Tulfo inimbitahan sila Bea, Gerald, at Julia sa kaniyang programa

2712
Images from News5 FB page/ ABS-CBN website

Pabirong inimbitahan ng mamamahayag na si Raffy Tulfo sila Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto sa kaniyang programang “Raffy Tulfo in Action” para resolbahin ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon.

Sa episode ng “Aksyon Sa Tanghali” nitong Miyerkules, sinabi ni Tulfo na handa siyang tumulong sa problemang kinakaharap ngayon ng tatlong Kapamilya celebrity upang tuluyan na itong magwakas.


“Alam yan, ang solusyon niyan, itong si Bea tsaka si Julia tsaka si Gerald, pumunta sa ‘Wanted sa Radyo’. Ayusin namin iyan.,” pahayag ng brodkaster.

“Lahat ng problema ay may solusyon. Para malaman natin talaga kung sino ang may kasalanan.. Ako team areglo,” dagdag pa ni Raffy.

Binanggit din niya na bukas ang kaniyang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes.

“Punta kayo dito sa Aksyon Center, libreng pakape at tsaka pa-biskwit habang kayo’y naga-antay diyan sa anchor’s lounge. Hindi, dahil ito’s mga celebrities, ice cream naman. Kape at ice cream habang minemake-upan kayo,” saad ni Raffy.

Sambit pa ng news personality, dapat bigyan ng ‘pag-asa’ si Barretto kung sinuman ang gusto nito maging nobyo.

Matatandaang nagsimula ang isyu matapos mag-post ng itim na litrato si Alonzo na sumisimbolo umano ng paulit-paulit na pagkakamali ng isang tao.

Kasunod nito, naging viral sa internet ang mga larawan nila Anderson at Barretto kung saan ni-like ito ng batikang aktres.

(BASAHIN: Bea Alonzo nagsalita na sa estado ng kanilang relayon ni Gerald Anderson)

Mas lalong uminit ang usapin nang sabihin ni Julia sa kaniyang Instagram post na ‘binubully’ siya ni Alonzo dahil ni-lilike umano nito ang mga ‘malisosyong’ post tungkol sa kanila ni Gerald.

(BASAHIN: Julia Barretto niresbakan si Bea Alonzo: I refuse to be your victim)

Kaya naman payo ng ilang netizens, ito na ang tamang panahon para sumanggani sila kay ‘Idol Raffy’.

Facebook Comments