Malakas na buhos ng ulan hindi naging hadlang sa pagdiwang ng 119th, Independence Day ng mga taga Gensan

General Santos City—hindi naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para ipagdiwang nga mga Generals dito sa Gensan ang ika- 119th Independence Day.

Alas 6:00 ng umaga kanina isang programa ang isinagawa sa harap mismo ng City Hall ng syudad para sa independence day kung saan ay isinagawa ang writ laying ceremony sa harap mismo ng munuminto ni Dr. Jose Rizal.

Nagpalipad din ng kalapating puti na pinangunahan nina Gensan City Mayor Ronel Rivera at Vice Mayor Sherlyn Bañas Nograles bilang simbolo ng kalayaan.


Nagbigay ng kanyang minsahe si alkalde patungkol sa araw ng kalayaan kung saan sinabi nito na dapat pahalagahan ng mamamayan ang kabayanihan mga taong nag bigay ng kalayaan sa bansa.

Kasabay nito, malaki ang paniniwala ng alkalde ng lunsod na makamit na ng Marawi city ang kalayaan mula sa panggugulo ng Maute group at maibalik na sa nasabing lugar ang kapayapaan at katiwasayan.

Facebook Comments