MALAKAS NA ULAN | Bataan at Southern Zambales, isinailalim sa red rainfall warning level

Naglabas ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon.

Ito ay dahil sa pag-uulang hatid ng hanging habagat na pinalalakas ng bagyong Josie.

Kanilang alas-1:00 ng madaling araw, nakataas ang red warning level sa Bataan at Southern Zambales.


Asahan sa mga nabanggit na lugar ang matitinding pagbaha.

Orange warning level naman ang itinaas sa Pampanga, Cavite at Batangas kung saan banta na ang mga pagbaha sa mga mabababang lugar.

Nakataas naman ang yellow warning level sa Metro Manila, Bilacan at natitirang bahagi ng Zambales kung saan mayroong pagbaha sa mga low-lying areas.

Facebook Comments