Malakihang Chess Tournament, Gagawin sa Isabela

Anggadanan, Isabela – Isang malakihang chess tournament na may kapahintulutan ang National Chess Federation of the Philippnes o NCFP ang magaganap sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang napag alaman ng RMN Cauayan News Team kay Ginoong Rolando “Bossot” Aggarao, ang co-organizer ng torneo kasama ang Vice Mayor’s League of Isabela sa pamumuno ng Vice Mayor Dong Siquian ng Angadanan, Isabela.

Aniya, ang pagsasagawa ng torneo ay para maisulong ang sports tourism sa lalawigan.


Bukas ang torneo sa sinumang unrated at rated players na ibabase sa October 1, 2017 NCFP rating.

Ang premyong nakaabang sa open category ay P 50, 000.00 sa kampeon, P 30, 000.00 sa runner up, P 20, 000.00 sa pangatlo at P 10, 000.00 sa pang apat. May mga premyo din at medalya ang mga pasok sa top ten. May mga tropeo, medalya at iba pang pagkilala na igagawad. Maliban sa open category ay nakakasa din ang mga kategoryang kiddies under 14, under 12, under 10, under 8 at 6 under.

Ang torneo ay gaganapin sa December 9 at 10, 2017 dito sa Isabela.

Ang contact person para sa paparating na malakihang chess tournament ay si Ginoong Rolly “Bossot” Agarao at ang kanyang telepono bilang 0905-5596835 ay bukas para sa rehistrasyon at iba pang mga detalye.

Facebook Comments