
Asahan na ang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East.
Ayon kay Department of Enery – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad, posibleng pumalo sa P2 ang dagdag ng presyo sa kada litro ng petrolyo sa susunod na linggo.
Posible raw kasing maantala ang suplay ng petrolyo dahil sa pag-iwas ng ilang shipping lines na dumaan sa Strait of Hormuz at iba pang ruta na apektado ng kaguluhan.
Pero nilinaw naman ni Abad na hindi hinarangan ng Iran ang Strait of Hormuz.
Aniya wala ring napinsalang oil facilities sa air strike na isinagawa ng Estados Unidos at Israel sa Iran.
Facebook Comments










