Malakihang programa sa pagsisimula ng Fire Prevention Month, isasagawa sa Maynila

Pinaghahandaan na ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang kick-off ceremony para sa Fire Prevention Month sa Biyernes, March 1, 2024.

Ngayong araw ay napuno ng emergency vehicles ng iba’t-ibang ahensiya sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang Independence Road sa harap ng Quirino Grandstand para sa magaganap na parada.

Bukod sa units ng BFP, kasama rin na paparada sa Biyernes ng hapon ang mga kinatawan at emergency vehicles mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department Of Information And Communications Technology (DICT), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.


Sila ang mga kasamang tumutugon sa panahon ng kalamidad hindi lamang ng sunog.

Kabilang dito ang banta ng baha, paglindol kung saan may panganib ng sunog at iba pa.

Bukod sa mga fire volunteer, kasama rin sa magiging aktibidad ang mga disaster risk reduction and management office at iba pa na responsable sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments