Mga nasa likod nang pangha-hack sa Facebook page ng Marikina City PIO, tukoy na ng PNP-Anti Cybercrime Group

May hawak ng impormasyon ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) hinggil sa pagkakakilanlan ng 2 indibidwal na pinaniniwalaang nasa likod nang pangha-hack ng official Facebook page ng lungsod ng Marikina.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ngayon ng PNP-ACG ang mga dating empleyado ng lungsod na posibleng may galit kaya ito nagawa.

Tinitingnan din ng ACG ang usaping pulitika.


Matatandaan noong nakaraang Miyerkules, hindi ma-access ang Marikina Public Information Office page kung saan dito ipino post ang public service announcements at tax payment schedules para sa mga Marikeño.

Facebook Comments