Malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo, aasahan sa susunod na Linggo

Manila, Philippines – Asahan ang malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na Linggo.

 

Ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary Felix Fuentebella, tinatayang nasa P1.02 ang bawas sa kada litro ng gasolina, P1.19 sa kada litro ng diesel at P1.21 sa kada litro ng kerosene.

 

Dagdag pa ni Fuentebella, ang rollback sa presyo ng petrolyo ay dahil pa rin sa oversupply sa pandaigdigang merkado.

 

Sa huling datos ng DOE, ang presyo ngayon ng diesel ay naglalaro sa P28.05 hanggang P33.95 kada litro habang P39.40 hanggang P48.09 naman sa gasolina.

 

Ang price adjustment ay karaniwang pumapatak sa araw ng Martes.

Facebook Comments