Uulanin ang silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa easterlies.
Ito rin ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rain showers o thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Patuloy namang binabantayan ng pagasa ang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huli itong namataan sa layong 1,065 kilometers kanluran ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometers per hour at pagbugong hanggang 90 km/h.
Kumikilos ang bagyo pa-hilaga sa bilis na 10 km/h at tinutumbok nito ang hong kong o mainland China.
Samantala, nasa 49 na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng delikadong antas ng heat index, pinakamataas ang 48°c sa Aparri, Cagayan at Guiuan, Eastern Samar.