Malaking bahagi ng bansa, uulanin maghapon dahil sa LPA at Habagat – PAGASA

Photo Courtesy: PAGASA

Patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa LPA at hanging Habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 440 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Magdadala ito ng mga pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Zambales, at Bataan.


Samantala, bahagyang maulap na kalangitan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa dulot ng Habagat at localized thunderstorms.

Facebook Comments