TOP 2 MOST WANTED PERSON SA REGION 2, ARESTADO

30
Cauayan City, Isabela- Natimbog ang isang lalaki na itinuturing na top 2 most wanted person sa regional level sa Brgy. Bukig, Aparri, Cagayan.

Batay sa impormasyon ng Cagayan Police Provincial Office, dinakip ng mga operatiba ng Aparri Police Station kasama ang 2nd PMFC at Provincial Intelligence Unit si alyas Jerwin, 30 taong gulang, magsasaka at residente ng Bukig, Aparri, Cagayan.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Neljoe Asuncion Cortes, Presiding Judge, RTC Br. 6, Aparri, Cagayan noong Hulyo 27, 2022 para sa krimeng murder.

Napag-alaman na si alyas Jerwin ang naiulat na at large noong Nobyembre 28, 2021 sa tatlong (3) suspek sa nangyaring pagtaga sa isang Domar Garcia, 43 anyos, may asawa at residente din ng nasabing lugar.

Kasalukuyan namaag nasa kustodiya ng himpilan PNP Aparri ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments