Malaking bahagi ng Luzon, uulanin pa rin

Patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon.

Ito ay dahil umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – ang silangang bahagi ng Luzon ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.


May mahihinang ulan sa Cordillera, Ilocos, Central Luzon at Bicol Region.

Sa Metro Manila, unti-unting gaganda ang panahon pero magkakaroon pa rin ng mga panandaliang ulan.

Maaliwalas ang panahon sa buong Kabisayaan at Mindanao maliban sa mga isolated thunderstorms.

Dahil pa rin sa amihan, nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng hilagang Luzon, silangang baybayin ng Central at Southern Luzon, maging sa silangang baybayin ng Kabisayaan.

Facebook Comments