Manila, Philippines – Magiging maulan sa malaking bahagi ng northern at central Luzon dahil sa frontal system, kung saan nagsasalubong ang mainit at ang malamig na hangin.
Nagbabago na ang ihip ng hangin, mula sa easterlies ay unti-unti ng nararamdaman itong southeasterly at southwesterly flow, o yung hangin mula sa southern hemisphere na pinagmumulan naman ng hanging habagat.
Maraming moisture itong dala kaya maging handa sa mas madalas na thunderstorm.
Posibleng makaranas ng malakas na ulan ang Ilocos region, Cagayan Valley at Cordillera.
Bahagyang gaganda naman ang panahon sa Visayas at Mindanao pero may paminsan-minsang pag-ulan sa ilang lugar sa Mindanao partikular sa Davao, Sultan Kudarat, Zamboanga Sibugay at Bukidnon.
Agwat temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 34 degrees celsius habang nasa 41 degrees celcius ang heat index o init na mararamdaman.
Sunrise: 05:27 ng umaga
Sunset: 06;17 ng gabi
DZXL558