Binawasan ng Senate Committee on Finance ang panukalang 28.1 billion pesos na budget para sa susunod na taon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Ayon kay Committee Chairman Senator Sonny Angara, 4 billion pesos na lamang ang inendorso nilang ibigay sa NTF-ELCAC.
Sabi ni Angara, ang 24 billion pesos na inalis nila sa NTF-ELCAC ay inilipat sa Department of Health (DOH) at sa iba pang ahensya at programa ng gobyerno na pantugon sa COVID-19 pandemic.
Sabi ni Senator Angara, bukod sa pondo ng NTF-ELCAC ay pag-aaralan pa ng mga senador kung maari ding tapyasan ang mga pondong nakalaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) para mas mapalakas pa ang serbisyong pangkalusugan sa gitna ng pandemya.