Manila, Philippines – Mayorya ng mga nilindol na lugar sa Region 8 at Bohol ay may supply na ng kuryente.
Kinumpirma ng Dept. of Energy na ang Leyte, Samar at Bohol ay may supply na ngayon na 194 megawatts o 76% ng peak electricity requirement.
Sa ngayon, patuloy ang 24/7 na pag-sasaayos ng mga tauhan ng DOE sa mga nasirang pasilidad ng kuryente matapos ang malakas na lindol.
Kabilang sa mga matinding napinsala ang transformers at geothermal plants sa Region 8.
Facebook Comments