Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem – lalaki, sugatan nang madaplisan ng bala

32

Manila, Philippines – Patay ang 38-anyos na tricycle driver na si Roderick Cea Heras matapos pagbabarilin sa labas ng Altura Market sa Ramon Magsaysay Blvd. sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa salaysay ng mga testigo, nakarinig sila ng tatlong putok ng baril mag-aalas otso kagabi. At nang kanilang silipin ,nakita nila na nakabulagta ang biktima sa kanyang tricycle.

Nakita ang isang lalaking suspek na tumatakbo at sumakay sa isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasamahan.

Walang makapagsabi ng itsura ng mga suspek dahil nakatakip ang kanilang mga mukha.

Sugatan naman si Jayson Salazar, 26 years old matapos madaplisan ng bala sa kanang hita na nasa maayos ng kalagayan.

Palaisipan naman sa mga kaanak ang posibleng motibo sa pamamaril dahil wala anilang kaaway ang biktima.

Narekober ng SOCO ang apat na basyo ng bala sa lugar.
Bagaman may nakatapat na CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen ay hindi naman ito gumagana.

Facebook Comments