Malaking bilang ng mga turista mula sa China, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 200 mga turistang Chinese na kauna-unahang malaking grupo ng mga turista na pumasok sa bansa matapos ang kasagsagan ng pandemya at ang pagbubukas ng border ng China.

Ang naturang mga turistang Chinese ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 bago mag-alas-5:00 ng hapon sakay ng Xiamen Airlines.

Kabilang sa mga sumalubong sa mga turista sina Tourism Secretary Christina Garcia – Frasco, Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong.


Ang Pilipinas ay kabilang sa 20 mga bansa sa pilot program ng China para sa outbound group travel.

Facebook Comments