Resellers at distributors ng SIM Card, nalulugi na dahil sa ipinatutupad na SIM Card Registration Act ayon sa DICT

Nalulugi na ang mga resellers at sim card distributors simula nang ipatupad ang SIM Card Registration Act.

Ito ang inihayag ni Department of Information and Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.

Aniya, dati, maraming bumili ng SIM card dahil ginagamit ito ng mga scammers o mga sindikato pero dahil kailangan nang irehistro ang mga SIM Card, lumamya na rin ang mga ito sa pagbili.


Sa ngayon mabenta na lamang daw ang mga SIM Card sa mga aiports dahil sa mga dumadating na mga foreign tourist.

Dahil dito, payo ni Secretary Uy sa mga resellers at distributors ng sim card huwag nang umorder pa ng SIM card sa manufacturer at ipaubos na lamang ang mga natitira pang binebentang SIM card.

Facebook Comments