Malaking bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang maaantala muli ang pagbabalik sa trabaho sa Hong Kong.
Ito ay matapos na palawigin ng Hong Kong government hanggang sa February 18 ang travel ban laban sa 8 mga bansa kabilang na ang Pilipinas.
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng imported na kaso ng COVID-19 doon.
Samantala, ikinalugod naman ng OFWs ang pagpapaiksi ng Hong Kong government sa 14 araw ng hotel quarantine sa mga biyaherong dumadating doon.
Facebook Comments