1,370 examinees, nakapasa sa Architect Licensure Exam

109

Nasa 1,370 na examinees ang nakapasa sa January 2022 Architect Licensure Examination (ALE) ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Isinagawa ang eksaminasyon sa Manila, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong January 21 at 23, 2022 kung saan nasa 2,205 ang kumuha ng eksaminasyon.

Kinilala rin si Shaunn Remzzo Tupa Blanco ng National University-Manila bilang topnotcher na may 83.50% na rating.


Sinundan ito ni Lance Nathan Yap Lim ng University of the Philippines-Diliman na may 83.10% na rating at Gellie Ann Raro Almacin ng Adamson University na nagkamit ng 82%.

Anim sa mga topnotchers ay mula sa University of the Philippines-Diliman habang top performing school naman ang University of Sto. Tomas (UST).

Facebook Comments