Malaking bilang ng OFWs, umalis na sa Hong Kong sa gitna ng pandemya

Patuloy na tumataas ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na umaalis ngayon sa Hong Kong.

Ito ang iniulat ng Hong Kong Immigration sa harap ng patuloy na paghihigpit ng Hong Kong government sa kanilang quarantine protocols.

Kabilang dito ang madalas na pagsuspinde ng Hong Kong sa flights na papasok sa kanilang lugar mula sa Pilipinas at ilang mga bansa.


Sa gitna ito ng patuloy na paglobo ng imported cases ng COVID-19 sa Hong Kong.

Base sa data ng Hong Kong Immigration, mula nang mag-umpisa ang pandemya ay nababawasan ng libo-libo ang Filipino workers na bumabalik doon kada taon.

Facebook Comments