Manila, Philippines – Posibleng i-extend ang dry run ng high occupancy vehicle lane.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Assistant General Manager Jojo Garcia, malaking challenge talaga sa kanila kung paano makikita ng camera ang nasa loob kapag heavily tinted windshields vehicle.
Nilinaw naman ni Garcia na hindi palpak ang planong HOV dahil base sa kanilang datus may mga sumunod naman na mga sasakyan kung saan dalawa pataas ang sakay.
Aniya, simula noong Disyembre 11, nasa 3,529 na mga sasakyan ang sumunod sa HOV habang halos apat na libo ang lumabag.
Giit naman ni Garcia, na ipapaubaya na nila sa mga technical working group na may kinalaman sa traffic management kung paano maaamyendahan ang batas na sumasakop sa vehicle tint.
MALAKING CHALLENGE | Dry run ng HOV occupancy vehicle lane, posibleng i-extend
Facebook Comments