AKSIDENTE | Dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, sugatan matapos banggain ng taxi

Maynila – Sugatan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos banggain ng isang taxi sa Roxas Blvd. kanto ng P. Burgos street sa Maynila.
Nakilala ang mga biktima na sina Rolando Mahait at Roberto Lapador kapwa nagta-trabaho sa isang restaurant malapit lamang sa pinangyarihan ng aksidente.
Ayon sa mga biktima galing sila sa trabaho ng banggain sila ng taxi sa intersection kung saan aminado ang driver nito na si Rainiel Dellera na siya ay may kasalanan sa insidente.
Sa ngayon dinala na ang mga sugatang biktima sa Philippine General Hospital habang iimbestihahan naman sa Manila traffic sector ang taxi driver.

Facebook Comments