Kumalas na sa militanteng umbrella organization ng mga goverment workers na Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE ang Department of Agrarian Reform Employees Association o DAREA.
Ayon kay Joy Chua pangulo ng DAREA, tinapos na nila ang ugnayan sa COURAGE matapos i-identify ng National Intelligence Coordinating Agency ang COURAGE na may koneksyon sa CPP-NPA sa isinagawang pagdinig noon ng Senado sa isyu ng red-tagging.
Ani Chua, nagkaroon ng pulong ang mga national leaders ng DAREA at inaprubahan ang resolusyon ng pag-dis-affliate sa grupo.
Halos dalawampung taon din na nahawakan ng COURAGE ang employees union sa loob ng DAR.
Ani Chua, namana na lamang niya sa nagdaang pamunuan ang pagsali sa COURAGE.
Abot sa 7,500 ang miyembro ng DAREA.